Atty. Melvin Matibag: Serbisyong may Puso, Paninindigan, at Pananagutan
Margret Dianne Fermin Ipinost noong 2025-09-04 14:50:48
Si Atty. Melvin Alvarez Matibag mula sa Laguna ay isang natatanging lider na pinagsama ang legal na karunungan, praktikal na pamamahala, at tunay na malasakit para sa bayan.
Nagtapos siya ng B.A. Philosophy sa University of Santo Tomas, nag-aral ng Juris Doctor sa Ateneo de Manila University School of Law at nakapagtapos ng Master of Laws sa Estados Unidos.
Sa simula ng kanyang karera, hinirang siyang General Manager ng Manila International Airport Authority (MIAA) kung saan pinangasiwaan niya ang operasyon ng isa sa pinakamataong paliparan sa bansa. Pagkatapos nito, pinamunuan niya ang National Transmission Corporation (TransCo) bilang President at CEO. Ang proyektong ito ay naglalayong mapalawak ang internet connectivity para sa mas maraming Pilipino.
Noong 2022, hinirang siya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Acting Cabinet Secretary. Sa posisyong ito, nagsilbi siyang tagapag-ugnay ng mahahalagang programa at proyekto ng pamahalaan upang matiyak na naipapatupad ang mga pangunahing polisiya ng administrasyon.
Sa kasalukuyan, kabilang si Atty. Matibag sa mga opisyal na nagnanais maging Ombudsman. Ito ay patunay sa kanyang integridad at kakayahang panagutin ang mga nasa posisyon ng kapangyarihan upang masiguro ang tapat at maayos na pamamahala.
Sa bawat tungkulin, ipinamalas ni Atty. Matibag ang kakaibang kombinasyon ng talino, dedikasyon, at malasakit. Ang pagiging nominado bilang Ombudsman ay sumasalamin sa kanyang hangarin na patuloy na maglingkod nang may prinsipyo at paninindigan para sa ikabubuti ng sambayanan.
Larawan mula sa Atty. Melvin Matibag Facebook Page