Diskurso PH
Translate the website into your language:

Candle station ng Antipolo Cathedral,nagkaroon ng sunog nitong Black Saturday

Mary Jane BarreraIpinost noong 2025-04-19 20:02:08 Candle station ng Antipolo Cathedral,nagkaroon ng sunog nitong Black Saturday

Abril 19, 2025 — Isang maliit na sunog ang nangyari sa candle-lighting area ng Antipolo Cathedral ngayong umaga ng Black Saturday, na pansamantalang nagpahinto sa mga debotong nais mag-alay ng kandila sa sikat na pilgrimage site.

Ayon sa ulat ng Super Radyo dzBB sa X, pasado alas-7 ng umaga nang magsimulang magliyab ang apoy sa bahagi ng simbahan kung saan karaniwang nagsisindi ng kandila ang mga deboto bilang bahagi ng kanilang panalangin. Agad naman itong naapula, at kinumpirma ng mga awtoridad na walang nasaktan o nasirang ari-arian.

Bilang pag-iingat, pansamantalang sinuspinde ng pamunuan ng simbahan ang candle-lighting habang nililinis at iniinspeksyon ang lugar. Kinumpirma ito ni dzBB reporter Christian Mano sa kanyang post sa X.

Ang Antipolo Cathedral, na opisyal na kilala bilang National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage, ay isa sa mga pinaka-binibisitang religious destinations sa bansa. Libo-libong pilgrims ang dumadagsa rito taon-taon—lalo na tuwing Holy Week.

Larawan: Maricel Bake House/Facebook