Christmas weather posibleng maulan sa ilang rehiyon
Margret Dianne Fermin Ipinost noong 2025-12-16 08:12:52
December 15, 2025 — Posibleng mabuo ang isang low pressure area (LPA) sa silangan ng Mindanao sa darating na Pasko, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa kanilang threat forecast para sa Disyembre 19 hanggang 25, sinabi ng ahensya na ang naturang LPA ay maaaring dahan-dahang kumilos at magdala ng ulan sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon sa ulat, “A low pressure area (LPA) may possibly be formed and affect the country on Christmas week, PAGASA said. The LPA will move slowly and may possibly bring rains over Caraga, Eastern Visayas, or the Bicol Region.”
Dagdag pa ng PAGASA, sa kasalukuyan ay ang Northeast Monsoon (Amihan) at easterlies ang nagdadala ng pag-ulan sa ilang lugar sa bansa. Sa Luzon, partikular na sa Northern at Central areas, patuloy na mararamdaman ang malamig na hangin at pag-ulan dulot ng amihan.
Maaaring magkaroon ng “tropical cyclone-like vortex” sa southeastern section ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa parehong panahon. Gayunman, binigyang-diin ng PAGASA na mababa ang posibilidad na ito ay maging ganap na bagyo. “The agency stressed that the system has a low likelihood of tropical cyclone formation,” ayon sa ulat.
Sa kabila ng mababang tsansa ng bagyo, pinaalalahanan ng PAGASA ang publiko na manatiling alerto dahil maaaring magdala ng malalakas na pag-ulan ang LPA, lalo na sa mga rehiyong madalas tamaan ng pagbaha at landslide.
Ang mga lokal na pamahalaan ay inaasahang maghahanda ng mga contingency plan upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente ngayong holiday season. Pinayuhan din ang mga biyahero na bantayan ang mga weather advisories lalo na sa mga lugar na inaasahang maaapektuhan ng LPA.
