PH Discourse
Translate the website into your language:

David Licauco, isasara ang negosyo bilang suporta sa kilos-protesta sa September 21?

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-20 23:24:51 David Licauco, isasara ang negosyo bilang suporta sa kilos-protesta sa September 21?

MANILA Inanunsyo ng aktor at negosyanteng si David Licauco sa pamamagitan ng kanyang Instagram story na pansamantalang magsasara ang kanyang negosyo ngayong Linggo, 12:00 NN, upang bigyang-daan ang kanilang mga empleyado na makiisa sa gagawing kilos-protesta sa Setyembre 21, 2025.

Ayon kay Licauco, mahalaga ang karapatan ng bawat isa na makapagpahayag ng saloobin at lumahok sa mapayapang pagkilos. “So that our staff may exercise their freedom of expression and peaceful assembly by joining the strike,” paliwanag niya.

Dagdag pa ng Kapuso actor, paalala ito na ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nagmumula sa taumbayan at dapat lamang na managot ang mga nasa posisyon. “The power of government is borrowed from the people. They are accountable to us, not the other way around,” aniya.

Umani ng positibong reaksyon mula sa netizens ang hakbang ni Licauco, kung saan marami ang nagpahayag ng paghanga sa kanyang pagiging bukas at suporta sa karapatan ng kanyang mga empleyado.

Sa kabila ng pansamantalang pagsasara, tiniyak ni Licauco na nakatuon pa rin sila sa pagbibigay ng maayos na serbisyo sa kanilang mga kostumer, kasabay ng kanyang paninindigan para sa kalayaan at demokrasya. (Larawan: David Licauco / Fb)