Julia Montes, tahimik pero palaban! Actress, inamin na ‘pinaramdam’ lang niya sa rumored third party ang kanyang selos
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-10-16 20:21:17
Hindi man direktang nagsalita, pero ramdam na ramdam! Actress Julia Montes made headlines matapos ang candid na interview niya kay DJ Chacha, kung saan tinanong siya tungkol sa kung naranasan na ba niyang magpigil ng emosyon sa isang babaeng umano’y nadadawit sa kanyang long-time partner na si Coco Martin.
Sa tanong ni DJ Chacha kung may naka-engkwentro na ba siyang babae na kailangang sabihan ng “Girl, kalmahan mo — work lang ‘to,” diretsahan ang sagot ni Julia:
“Hindi ko siya kinausap pero pinaramdam ko sa kanya, kasi wala nang point na kausapin ko pa siya. Excuse me?”
Tinanong pa ni DJ Chacha kung paano niya ito “pinaramdam,” at sagot ni Julia na may halong tawa,
“Baka makilala niya kung sino siya.”
Kuwento pa ng aktres, hindi siya mahilig sa plastic na pakikitungo sa mga tao:
“Hindi kasi super warm ako. Alam mo kung okay ako sa ‘yo saka hindi. So hindi rin ako plastic, hindi rin ako showbiz. Pag hindi ako okay sa ‘yo, hindi kita papansinin.”
Sa kwelang bahagi ng usapan, ikinuwento ni Julia ang pagkakataon na binati siya ng naturang babae ng “Hi po,” kahit magka-batch lang naman sila sa showbiz:
“Sabi ko, ‘Excuse me? Kung maka-po ka naman!’ — ganun, with a smile,” sabay tawa.
Aminado rin ang aktres na umabot sa limitasyon ang pasensya niya noon:
“Sobra na rin kasi siya, kumbaga sa strike three — sobra-sobra na.”
At nang tanungin ni DJ Chacha kung naging dahilan ba ito ng gusot sa relasyon nila ni Coco, mabilis at pabirong sagot ni Julia: “Sorry, girl!”
Agad nag-viral online ang candid interview, at umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens. Marami ang humanga sa pagiging classy pero totoo ni Julia — tahimik pero hindi nagpapa-api.
Ayon sa mga fans, “Julia is the definition of tahimik pero palaban! Hindi kailangan ng confrontation para iparamdam kung sino ang tunay na reyna.”