James Reid in his patola era, sinabayan ang mga bashers: “Love is the answer!"
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-10-17 00:59:40
Oktubre 17, 2025 – Mukhang todo na ang drama online, pero si James Reid, todo rin sa maturity at love! Sa isang matapang at heart-filled na post sa social media, diretsahang sinagot ng aktor-singer ang mga kritiko ng relasyon nila ni Issa Pressman. “SO MANY BITTER PEOPLE THAT CAN'T STAND TO SEE ME THIS HAPPY. I HOPE ALL OF YOU HERE FIND LOVE LIKE I DID. LOVE IS THE ANSWER,” sabi niya — tila klaro na patama ito sa mga bashers na hindi makapag-move on sa dating tambalan niyang JaDine, kasama si Nadine Lustre.
Alam naman ng lahat na simula nang lumabas na official silang dalawa ni Issa, hindi na nakuntento ang ilang netizens kundi pagtawanan at batikusin sila. May ilan pa ngang tumawag kay Issa na “snake” — at sinasabing siya umano ang dahilan kung bakit natapos ang JaDine love team. Pero sa halip na magpasabog ng kontra, pinili ni James na magpakita ng class, at ipagtanggol ang relasyon nila sa pamamagitan ng positivity at pagmamahal.
Si Issa, syempre, hindi rin nagpapahuli. Patuloy niyang ipinapakita sa social media ang kanilang sweet moments — mula sa simpleng bonding hanggang sa romantic gestures na swak sa kilig meter. Kitang-kita na hindi sila nababahala sa mga intriga at patama sa kanila, kundi mas pinipili nilang mag-enjoy sa kanilang pagmamahalan.
Sa kabila ng kontrobersya, may mga fans na sobrang supporta sa kanilang relasyon at humahanga sa tapang ni James na ipaglaban ang kanilang pagmamahalan nang may respeto at positibong vibes. Ang mensahe niya sa lahat? Sa gitna ng chismis, intriga, at negativity — love is the answer.