Diskurso PH
Translate the website into your language:

Gwyn Dorado, pinahanga ang mga Korean judges sa ‘Sing Again 4’; pinaiyak pa si Baek Ji-young

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-10-25 21:40:30 Gwyn Dorado, pinahanga ang mga Korean judges sa ‘Sing Again 4’; pinaiyak pa si Baek Ji-young

Oktubre 25, 2025 – Nagmarka agad ang Pinay singer na si Gwyn Dorado, 20, sa South Korean TV show na “Sing Again 4” matapos niyang paakyatin ang emosyon ng lahat—lalo na ng sikat na Korean singer Baek Ji-young, na napaiyak sa kanyang performance!

Sa second episode ng nasabing music audition show na ipinalabas noong Oktubre 21, kinanta ni Gwyn ang classic Korean song na “As Time Passes” ni Choe Ho Seop, na ginamit bilang OST ng hit K-drama Reply 1988. Sa galing ng kanyang boses at perpektong Korean pronunciation, standing ovation ang ibinigay sa kanya ng mga hurado.

Si Baek Ji-young, na kilala sa mga K-drama soundtracks gaya ng “That Woman” mula sa Secret Garden, ay hindi napigilang maiyak matapos mapanood si Gwyn.

 “I have one request, please don't lose your innocence,” ani Baek habang pinupunasan ang luha.

Napabilib din ang iba pang judges tulad nina Kim Eana, Yoon Jong-shin, at Yim Jae-beom.

“It was a perfect stage, so cool and dreamlike,” ani Kim Eana.

Dagdag pa ni Yoon Jong-shin, “It’s been a long time since I’ve seen someone only 20 years old who can express emotions with such a good voice.”

Hindi rin nagpahuli ang emcee na si Lee Seung-gi, na nagbigay-pugay sa husay ni Gwyn bilang isa sa mga standout contestants ngayong season.

Bukod kay Dorado, kabilang din sa mga Filipino na lumaban sa Sing Again 4 si Kriesha Chu, na unang nakilala bilang K-pop idol.

Ang Sing Again 4 ay nagbibigay ng panibagong pagkakataon sa mga mang-aawit—kilala man o bago pa lang—na muling ipamalas ang kanilang talento sa entablado.

Matapos ang airing ng episode, umabot na sa mahigit isang milyong views sa YouTube ang performance video ni Gwyn Dorado—patunay na pati mga K-netizens ay humahanga sa kanyang husay at charm.

Proud Pinay moment! Gwyn Dorado, isa na namang Pilipinong patunay na world-class ang talento ng mga kababayan natin.