Moira Dela Torre, diumano’y dinedma ng ilang co-artists sa rehearsals ng ASAP Vancouver
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-10-25 22:21:25
Oktubre 25, 2025 – Usap-usapan ngayon sa social media ang kumakalat na chika tungkol sa singer-songwriter na si Moira Dela Torre, na diumano’y inisnab at dinedma ng ilang kasamahan niya sa ASAP habang nasa Vancouver, Canada para sa concert tour ng programa.
Ayon sa kwento ni Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update vlog kasama si Mama Loi, may mga nakapansin daw na tila walang pumapansin kay Moira sa rehearsals at mismong sa gabi ng show. Lalo na raw ‘yung mga artistang alagad ng Cornerstone Entertainment, na dati niyang pinanggalingang management.
“Merong nag-chika sa atin na kasama roon si Moira sa ASAP Vancouver. During rehearsals, parang walang masyadong kumakausap sa kanya. Tila mabigat pa rin ang loob ng ilan sa mga taga-Cornerstone,” chika ni Ogie.
Matatandaan na pinakawalan si Moira ng Cornerstone matapos umanong magkaroon ng ilang isyu — kabilang na ang tsismis na sinusulot daw niya noon ang isang road manager ng kumpanya at ilang reklamo tungkol sa mga “demands” umano ng singer.
Dagdag pa ni Ogie, nagpalipat pa raw ng hotel si Moira dahil sa hindi komportableng atmosphere sa mga rehearsals.
Tanong naman ni Mama Loi, “Kung marami palang may ayaw kay Moira, bakit sinama pa siya sa ASAP?”
Sagot ni Ogie, “Hiniling siya ng mga taga-Vancouver! Mahusay na performer si Moira. Hindi ito tungkol sa talent fee, kundi sa pagmamahal ng mga kababayan nating Pinoy abroad.”
Pinayuhan din ni Ogie si Moira na subukang makipag-ayos sa mga kasamahan niya kung meron man silang tampuhan. “Baka pwedeng lapitan isa-isa at magkaayos na, lalo na’t pare-pareho naman silang artist na gustong magpasaya ng fans.”
Sa kabila ng isyu, marami pa ring fans ang tuwang-tuwa na muli nilang napanood si Moira nang live sa Canada — lalo’t matagal din siyang nawala sa mga major shows.
Mukhang ASAP na ASAP din ang chika rito, mga beshie! Totoo nga kayang may mga isnaban blues sa likod ng stage? Abangan kung maglalabas ng pahayag si Moira o ang mga involved sa intriga.
Larawan: Moira dela Torre Facebook
