Caught on cam! Katy Perry at Justin Trudeau, naglambingan sa yate
Margret Dianne Fermin Ipinost noong 2025-10-13 10:22:50
SANTA BARBARA, California — Kumpirmado na ang matagal nang usap-usapan tungkol sa romansa nina pop superstar Katy Perry at dating Canadian Prime Minister Justin Trudeau matapos silang mamataan sa isang PDA-filled outing sa baybayin ng California.
Sa mga larawang nakuha ng Daily Mail at Fox News Digital, makikitang magkasama ang dalawa sa yacht ni Perry, ang Caravelle, kung saan sila’y nagyakapan, naghalikan, at nagpakita ng matinding lambingan. Sa isang larawan, si Trudeau ay nakitang hinahalikan sa pisngi si Perry habang yakap-yakap ito. Sa isa pa, makikitang nakapatong ang kamay ni Trudeau sa puwetan ng singer habang magkadikit silang nakaupo.
Ang dalawa ay unang napabalitang magkasama noong Hulyo nang makita silang nagdi-dinner sa Le Violon sa Montréal. Ayon sa TMZ, nagbahagi sila ng ilang putahe, kabilang ang lobster, at nag-enjoy sa cocktails. Isang eyewitness ang nagsabing “They looked very comfortable and happy together.”
Si Perry, 40, ay kamakailan lamang nakipaghiwalay sa dating fiancé na si Orlando Bloom, habang si Trudeau, 53, ay hiwalay na rin sa kanyang asawa na si Sophie Grégoire Trudeau. Pareho silang single nang magsimula ang mga sightings sa publiko.
Wala pang opisyal na pahayag mula sa mga kinatawan nina Perry at Trudeau, ngunit ayon sa Us Weekly, “There are clearly some fireworks between them”.
Ang kanilang relasyon ay patuloy na sinusubaybayan ng media at fans, lalo na’t parehong prominenteng personalidad sa kani-kanilang larangan.
Larawan mula sa SWNS