Diskurso PH
Translate the website into your language:

AZ Martinez, pasok sa Top 3 Sexiest Females of the Year ng Village Pipol

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-10-17 18:18:46 AZ Martinez, pasok sa Top 3 Sexiest Females of the Year ng Village Pipol

Oktubre 17, 2025 – Level up na naman ang karera ni Kapuso star AZ Martinez matapos siyang kilalanin bilang ikatlong Sexiest Female of the Year sa 7th VP Choice Awards ng Village Pipol Magazine!


Ang nasabing parangal ay taunang ibinibigay sa mga “biggest and brightest” personalities sa entertainment, lifestyle, technology, at travel — at kung saan mismong publiko ang bumoboto ng mga mananalo.


Bago pa man maging Kapuso, nakilala na si AZ bilang isang beauty queen, matapos makasali sa mga pageant gaya ng Hiyas ng Pilipinas at Summit International. Sa TV naman, hinangaan siya sa mga proyekto gaya ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters, pati na rin sa guest appearances sa Lilet Matias: Attorney-at-Law at Encantadia Chronicles: Sang’gre.


Hindi lang ‘yan — abangan din si AZ sa kanyang upcoming mystery-family drama na The Secrets of Hotel 88, kung saan magsasama-sama muli sila ng kanyang mga dating housemates para sa lock-in taping.


Kamakailan, pinag-usapan din ng fans ang kanyang music video project kasama si Ralph De Leon para sa kantang “Naiilang” ng singer na si Le John. Ilang araw lang matapos i-release, agad nitong nakuha ang top spot sa YouTube Philippines!


Mukhang tuloy-tuloy na talaga ang pag-angat ni AZ Martinez — beauty queen, actress, at ngayon, certified sexiest Kapuso star!