Showmance alert! Rumored kiss nina Katy Perry at Justin Trudeau, pinagdududahan na ‘scripted’ daw!
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-10-17 16:56:36
Oktubre 17, 2025 – Umiinit ang chika sa social media matapos lumabas ang mga larawan nina Katy Perry at former Canadian Prime Minister Justin Trudeau na naghahalikan sa ibabaw ng isang luxury yacht — pero teka, may twist! Ayon sa ilang source, posibleng “choreographed” daw ang buong eksena.
Sa unang tingin, mukhang sweet moment lang ang viral photos ng dalawa — si Katy naka-one-piece swimsuit, si Trudeau topless na naka-jeans, at pareho silang mukhang nasa cloud nine habang nag-e-enjoy sa yacht ni Katy na Caravelle. Pero ayon sa isang insider na malapit sa kampo ni Trudeau, parang may halong plano raw ang PDA moment na ‘yon.
“It looked a little too perfect — almost like it was meant to be seen,” sabi ng source.
“Justin doesn’t usually do performative romance, so it’s possible he thought it was private. Pero si Katy, alam mo naman, showbiz queen ‘yan.”
Dahil dito, napaisip tuloy ang netizens kung publicity stunt lang ba ito o totoong spark ang namamagitan sa dalawa. Marami ang napacomment ng “promo for something?” habang ang iba naman ay nagbiro, “Baka may upcoming collab — a music video titled ‘Prime Minister of My Heart’!”
Dagdag pa ng ibang insider, mukhang parehong may hinahabol na “boost” sina Perry at Trudeau — si Katy, matapos ang mga taon ng tahimik na family life, at si Justin, pagkatapos ng separation at pag-alis sa opisina bilang prime minister.
“Maybe it’s mutually beneficial,” ani ng isang kaibigan ng dalawa. “They’re both big names who could use some spotlight again.”
Pero kung publicity man o hindi, isa lang ang malinaw — marunong talaga si Katy Perry sa timing. Isang halik lang, at buong internet, napa-“Firework!”
Larawan mula sa Google