Diskurso PH
Translate the website into your language:

Emma Tiglao, kinoronahan bilang Ms. Grand International 2025, back to back win ng Pilipinas

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-10-19 07:57:27 Emma Tiglao, kinoronahan bilang Ms. Grand International 2025, back to back win ng Pilipinas

Thailand – Isa na namang Pinay ang nagningning sa entablado ng international pageantry! Ang Kapampangan beauty na si Emma Mary Tiglao ay itinanghal bilang Miss Grand International 2025 sa ginanap na coronation night sa Bangkok, Thailand, nitong Oktubre 18, 2025 — at ito ay isang makasaysayang back-to-back win para sa Pilipinas!


Matapos ang pagkapanalo ni Christine Juliane “CJ” Opiaza noong 2024, sinundan ito ni Emma ngayong taon, kaya naman muling napatunayan na hindi matatawaran ang ganda, talino, at karisma ng mga Pinay. 


Si Emma, na unang sumikat bilang TV host, news anchor, at Miss Intercontinental 2019 runner-up, ay umani ng papuri mula sa international crowd dahil sa kaniyang grace, eloquence, at queenly presence sa buong kompetisyon.


Sa final Q&A, tinanong si Emma tungkol sa mga parusa laban sa mga online scammer. Matapang at matalino niyang sagot:


> “Bilang isang taong nag-uulat ng ganitong klaseng kwento, gusto kong gamitin ang kapangyarihan ng kaalaman. Turuan natin ang mga tao na maging maingat at edukado, at tulungan ang gobyerno na paigtingin ang hustisya upang maparusahan ang mga scammer.”




Bumuhos ang hiyawan ng mga Pinoy fans sa venue at online nang ihayag ang kanyang pangalan bilang bagong reina. Mabilis ding nag-trend ang mga hashtags na #EmmaTiglaoMGI2025, #BackToBackForThePhilippines, at #PinayPride, na puno ng papuri at pagmamalaki sa bagong Miss Grand International.


Matatandaang nakuha ni Emma ang karapatang irepresenta ang bansa matapos niyang koronahan bilang Miss Grand Philippines 2025 noong Agosto sa SM Mall of Asia Arena. Simula pa lang, frontrunner na siya sa mata ng mga pageant fans dahil sa kaniyang karanasan, ganda, at pagiging natural na “queen material.”


Habang isinusukbit sa kaniya ni CJ Opiaza ang korona, kapansin-pansin ang emosyon ni Emma — isang tagpo na nagpaluha hindi lang sa kaniya kundi sa buong Filipino pageant community. Isa na namang patunay na ang Pilipinas, tunay na powerhouse sa mundo ng beauty pageants.