Diskurso PH
Translate the website into your language:

‘Pinoprotektahan nila si Romualdez!’ — Barzaga, binanatan si Sen. JV Ejercito

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-10-21 23:47:53 ‘Pinoprotektahan nila si Romualdez!’ — Barzaga, binanatan si Sen. JV Ejercito

MANILA — Sa gitna ng pagbabalik ni Senador Panfilo “Ping” Lacson bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, umalma si Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga laban kay Senador JV Ejercito matapos nitong ipahayag na maayos ang kanilang ugnayan ni Lacson at nagbigay pa ng mga “suggested invitees” para sa mga susunod na pagdinig.

Ayon kay Barzaga, ang hakbang na ito ay umano’y bahagi ng pagtatangka upang maprotektahan si House Speaker Martin Romualdez sa gitna ng kontrobersiya kaugnay ng umano’y flood control scandal na kasalukuyang iniimbestigahan.

“Si Senator JV Ejercito ang nagpabalik kay Senator Lacson sa Blue Ribbon Committee — pinoprotektahan nila si Martin Romualdez,” mariing pahayag ni Barzaga.

Dagdag pa ng kongresista, kung tunay na layunin ng Blue Ribbon Committee ay hanapin ang katotohanan, dapat ay walang pinipiling imbestigahan, lalo na kung sangkot ang mga matataas na opisyal ng gobyerno.

Hanggang sa ngayon, wala pang tugon o pahayag si Senador Ejercito kaugnay ng mga alegasyon ni Barzaga. Samantala, patuloy pa rin ang Blue Ribbon Committee sa pagtalakay ng mga isyung may kinalaman sa mga proyektong pang-inprastraktura ng pamahalaan. (Larawan: Kiko Barzaga, JV Ejercito / Facebook)